-- Advertisements --

Muling nagsagawa ang palitan ng bihag ang Ukraine at Russia.

Ayon kay President Volodymyr Zelenskyy na mayroong 25 na mga sundalo na nakatalaga sa Azovstal steel plant ng Mariupol City ang kabilang sa pinalaya.

Ang mga ito ay binihag ng Russia mula pa noong Mayo 2022.

Dagdag pa nito na ang ilan sa mga dito ay mga sibilyan na unang sinabi ng Russia ay pawang mga sundalo ang mga ito.

Giit nito na gumagawa na sila ng hakbang para tuluyang mapauwi ang mga taong nabihag ng Russia.

Patuloy na sumasailalim sa medical check-ups ang mga sugatang bihag na napalaya ng mga Russia.