-- Advertisements --

Nagsisihan ang Russia at US sa naganap na banggaan ng kanilang armoured vehicles sa north-eastern Syria.

Ang nasabing pangyayari ay nagresulta sa pagkakasugat ng maraming sundalong US.

Sa inilabas na video ng Russia, nasa desert convoy ang Russian military vehicles bago ito tuluyang bumangga sa US armoured car.

Makikita rin ang mababang paglipad ng Russian helicopter.

Inakusahan ng Russia ang US na nangharan ng kanilang convoy.

Sinabi ng Russian defence ministry na binalaan na nila ang US na sila ay nagpapatrolya sa lugar.

Dumepensa naman ang White House National Security Council (NSC) kung saan nauna ang Russia na bumangga sa kanilang US mine-resistant all-terrain vehicle na nagresulta sa pagkakasugat ng apat na sundalo.