-- Advertisements --

Sabay na lumipad patungong kalawakan ang US at Russia.

Kasama nina Russian cosmonauts Sergey Prokopyev, at Dmitri Petelin si NASA astronaut Frank Rubio lulan ng Russian spacecraft.

Lumipad ang nasabing spacecraft sa Baikonur Cosmodrome sa Kazakhstan.

Inaasahan na mananatili ang mga ito ng anim na buwan sa International Space Station.

Pagdating nila sa space station ay magtutulungan ang mga ito kasama ang ibang astronaut ng Europe.

Ang space station na patuloy na mayroong tao mula pa noong 2000 ay patuloy na nagpapalitan ng mga crew members para matiyak na ang orbiting laboratory ay may tao at mapanatili na hardware ng space station ganun din ang ginagawa nilang expirements.