Binalaan ni Russian President Vladimir Putin si US President Joe Biden na mauwi sa “complete rupture” ang relasyon sa pagitan ng dalawang nuclear superpowers kapag patawan ng economic sanctions ang Russia.
Sinabi ito ng isa sa mga opisyal ng Russia sa gitna ng sitwasyon ngayon sa border ng Ukraine.
Ayon sa naturang opisyal, tumagal ng nasa 50 minuto ang pag-uusap nina Putin at Biden na naging “businesslike” naman daw ang takbo.
Pero natapos naman ito na hindi pa rin malinaw kung ano ang intensyon ni Putin.
Magugunita na nasa 100,000 sundalo ang pinapunta ni Putin sa border sa Ukraine at hiniling sa North Atlantic Treaty Organization at United States na ipaatras ang kanilang puwersa sa rehiyon.
Pero hanggang sa kasalukuyan, hindi pa malinaw kung may mangyayaring pananakop.