-- Advertisements --

Tuluyan nang bubuksang muli ng Russia ang mga paaralan sa kanilang bansa sa susunod na linggo.

Ito ay kasabay ng umano’y unti-unti nang paghupa ng second wave ng COVID-19 outbreak sa Russia, kahit na umakyat pa sa 3.5-million ang kaso ng virus sa bansa.

Ayon kay Education Minister Sergei Kravtsov, magbubukas na ang lahat ng mga eskwelahan sa Russia maliban sa 10 na isinailalim sa special quarantine.

Noong Oktubre nang mapilitan ang mga estudyante na mag-online learning na bahagi ng hakbang ng gobyerno upang mapigil ang pagkalat ng virus.

Samantala, sa susunod na linggo rin binabalak ng Russia na simulan na ang kanilang mass vaccination program.

Mayroon nang dalawang rehistradog bakuna ang bansa at inaasahang maaprubahan na ang isa pa sa mga susunod na araw.