Desidido ang Russia sa magiging kauna-unahang bansa sa buong mundo na magkakaroon ng bakuna laban sa coronavirus.
Target kasi ng gobyerno ng Russia na aprubahan na sa kalagitnaan ng Agosto ang bakuna na gawa ng Moscow-based Gamaleya Institute.
Aaprubahan na ito sa public use kung saan ang unang mabibigyan ay ang mga frontline health workers.
Ang nasabing pag-apruba ay itutuloy ng Russia kahit na marami ang nangangamba sa safety at effectiveness nito dahil hindi pa raw ito dumadaan sa masusing trial lalo na ang pagbusisi ng iba pang mga eksperto sa iba’t ibang dako ng mundo.
Una nang tinawag ng ilang scientists at residente sa Russia ang “mode” nila ngayon bilang “Sputnik moment” tulad nang una nilang mapalipad sa kalawakan ang spaceship patungo ng buwan noong taong 1957.