-- Advertisements --

Malaki ang paniniwala pa rin ng US na itutuloy ng Russia ang kanilang atake sa Ukraine.

Sa kaniyang pakikipagpulong sa United Nation Security Council, sinabi ni US Secretary of State Antoni Blinken na posibleng mag-iimbento ng eksena ang Russia para mayroon silang dahilan sa pag-atake.

Ilan sa mga dito aniya ay ang gagawa ng pekeng terrorist bombing sa Russia o chemical weapon attack.

Pinayuhan pa rin nito ang Russia na huwag ng ituloy ang anumang balak nito at piliin na lamang ang magkaroon ng mapayapang pakikipag-usap.

Magugunitang makailang ulit na ring itinanggi ng Russia na wala silang balak na umatake sa Ukraine at sa katunayan aniya ay pinauwi na nila sa kanilang kampo ang nasabing mga sundalo sa kanilang base.