Ibinulgar ng UK government-funded research na ginagamit ng Russia bilang troll farm ang isang lumang arsenal Machine-building Factory, isang kompaniya na gumagawa ng military equipment at technology sa may Saint Petersburg para magpakalat ng disinformation at target ang mga kritiko ng Kremlin kabilang ang world leaders.
Sa isang statement sinabi ng Britain foreign ministry na ang isang site sa Russia na ginagamit para magpakalat ng kasinungalingan sa social media at sa comment sections ng mga kilalang websites ay tinawag ng ministry na isang sick operation.
Napag-alaman umano ng ministry na binayaran ang mga empleyado ng troll factory target ang mga pulitiko at mga musicians at mga bansa katulad ng Britain, South Africa at India.
Ginagamit aniya ang online platforms para makapagrecruit at makipag-ugnayan sa new sympathizers target ang social media profiles ng mga kritiko ng Kremlin at pagpapadala ng spam comments na nagpapakita ng suporta kay Russian President Vladimir Putin at giyera sa Ukraine.
Ayon sa impormasyong hawak ng British foreign ministry, tinarget ng mga trolls ang accounts nina British Prime Minister Boris Johnson at iba pang UK ministers, kasama ang iba pang world leaders kabilang sina German Chancellor Olaf Scholz at EU foreign policy chief Josep Borrell.
Naging target din ng disinformation operation ang social media accounts ng mga banda at musicians gaya nina Daft Punk, David Guetta, Tiesto and Rammstein.
Inalerto na ng UK Government ang kanilang international partners para makipagtulungan para matukoy ang Russian information operations.