-- Advertisements --

Ibinunyag ng Ukraine na gumamit ang Russia ng advanced hypersonic missile-one.

Ayon sa Kyiv Scientific Research Institute of Forensic Expertise na isinagawa ng Russia ang atake noong Pebrero 7 gamit ang Zircon hypersonic cruise missile.

Nalaman na lamang nila ito base sa mga nakitang mga fragments mula sa lugar ng pinagsabugan.

Dahil sa insidente ay apat katao ang nasawi at 38 iba pa ang nasugatan sa Kyiv.