-- Advertisements --

Gumanti ang Russia sa ginawang pagtanggal ng White House sa 10 Russian diplomats sa Washington kabilang na rito ang kumakatawan sa Russian Intelligence Service.

Ito ay may kaugnayan sa panibagong sanctions at diplomatic expulsions na ipinataw ng Estados Unidos bilang parusa sa umano’y pakikialam ng Moscow noong 2020 U.S. elections, ang tinaguriang SolarWinds cyberattack at ang patuloy na human rights abuses sa Crimea.

Dahil dito, napagdesisyunan ng Russia na pagbawalan ang mga top officials ng Biden administration na makapasok sa kanilang bansa.

Nag-anunsiyo rin ito ng “tit-for-tat sanctions” o paghihiganti sa pagtanggal din sa mga diplomats ng Amerika.

Inanunsiyo ng Moscow na bawal nang pumasok sa Russia sina Attorney General Merrick Garland, Biden’s chief domestic policy advisor Susan Rice, at FBI chief Christopher Wray.

Tinawag naman ng State Department na nakadagdag lamang sa tensiyon at pagsisihan sa pagitan nila ng Russia ang ginawa nitong pagganti laban sa Estados Unidos.