Handa na ang Russia para sa peace talks sa Ukraine anumang oras at lugar.
Ito ang inihayag ni Russian President Vladimir Putin sa kaniyang pagharap sa isang news conference sa capital ng Hanoi sa Vietnam.
Aniya, base sa mga kasunduan na nakamit sa halos isa’t kalahating buwang negosasyon sa Istanbul at Minsk, handa na umano silang ipagpatuloy ang dayalogo sa panig ng Ukraine kahit bukas pa gayundin kahit saan man isagawa, sa Minsk Istanbul man o sa Switzerland.
Sa kabila ng positibong posisyon ng Russian leader, naniniwala ito na tututulan ng West ang kaniyang peace initiative sa Ukraine.
Kinuwestyon din ni Putin kung bakit tinwag ang proposal ng Russi na unrealistic o hindi makatotohanan gayong wala aniyang bumatikos sa parehong paraan sa ultimatum ng Ukraine na naglalaman ng mga kondisyon na hindi katanggap-tanggap para sa Moscow.
Saad pa ni Putin na pag-iisipang mabuti ng mga matinong politiko ang kanilang proposal sa Ukraine kung nais talaga nilang matuldukan na ang giyera at ibinabala na maaaring magbago ang kanilang mga kondisyon depende sa sitwasyon sa battlefiled.
Hindi din aniya mangyayari ang peace talks kung ipagpipilitan ng Kyiv sa pagsisimula ng peace negotiations ang pag-atras ng Russian forces mula sa Ukraine.