-- Advertisements --

Ipinahayag ni Russian President Vladimir Putin ang na handa na umano sila makipag-usap sa Ukraine “nang walang mga kundisyon.” hinggil sa pagwawakas ng giyera.

Ang naturang pahayag ay matapos ang isang pagpupulong kay US envoy Steve Witkoff noong Biyernes.

Ayon sa tagapagsalita ng Kremlin na si Dmitry Peskov, paulit-ulit na aniyang binanggit ni Putin ang posisyon nito hinggil sa pagsusulong ng kapayapaan sa rehiyon.

‘During yesterday’s talks with Trump’s envoy Witkoff, Vladimir Putin reiterated that Russia is ready to resume negotiations with Ukraine without any preconditions,’ ani Peskov.

Bagamat handang makipag-usap, patuloy na binanggit ni Putin ang mga hinihingi ng Russia, kabilang ang pag-kontrol sa limang rehiyon ng Ukraine na umanong inaangkin nito, ang pagkalas ng Ukraine sa pagiging kasapi ng NATO, at ang pagbabawas o pagtanggal ng mga pwersang militar ng bansa.

Ayon kay Putin, ang digmaan ay isang “hybrid war” na pinapalakas umano ng NATO laban sa Russia kung saan nais nitong baguhin ang estruktura ng seguridad ng Europa, lalo na ang pagde-deploy ng mga pwersang sundalo ng NATO malapit sa border ng Russia.

Samantala nagtagal ang pag-uusap nina Putin at Witkoff ng tatlong oras, na ayon sa Kremlin ito ay nawa “makinabang” sa posibilidad ng paguusap sa kapayapaan.