-- Advertisements --
Nagbanta si Russian President Vladimir Putin na handa nilang gamitin ang kanilang nuclear weapons kapag nalagay sa alanganin ang kanilang bansa.
Isinagawa ni Putin ang pahayag sa panayam sa kaniya ilang araw bago ang presidential election sa Russia sa darating na Marso 15.
Igiit nito na anumang oras ay laging handa ang kaniyang military sa nuclear war kung kinakailangan.
Nagbabala rin ito na kapag magapadala ang US ng mga sundalo nito sa Ukraine ay hindi nila ito palalagpasin.
Bagamat naniniwala ito na hindi gagawin ni US President Joe Biden ang magpadala ng kaniyang sundalo ay nakahanda naman sila.