Hindi inimbitahan ang Russia para dumalo sa 30-country virtual meeting na pinangungunahan ng US.
Ito ay dahil umano sa patuloy na banta ng ransomware at ibang cyber crime na isinasagawa ng Russia.
Ayon sa ilang US officials, maraming mga ransomware gangs ang nag-o-operate sa Ukraine at Russia pero hindi direktang kinokontrol ng gobyerno.
Sa dalawang araw na pagpupulong ay pag-uusapan ang paggamit ng virtual currency at ang pagsawata ng mga ransom payment, pagsampa ng kaso sa mga ransomware criminals at paglaban sa ransomware.
Bukod sa US ay dadalo ang mga bansa gaya ng Germany, Australia, France, Canda United Kingdom, Brazil at iba pa.
Magugunitang nagkaroon ng kakulangan ng suplay ng langis sa US matapos atakihin ng ransomware ang Colonial Pipeline.