Kinumpirma ng UEFA ang football governing body ng Europe na hindi nila isinama ang Russia sa kanilang draw para sa Euro 2024 men’s qualifying.
Ayon sa UEFA na ang nasabing desiyon sa hindi pagsama sa Russia ay resulta ng kanilang ginawang ilang araw na pagpupulong ng mga executive committee ng UEFA.
Isa sa naging pagpasya nila ay ang ginawang paglusob ng Russia sa Ukraine.
Dahil dito ay hindi na kasama ang pangalan ng bansang Russia sa drawlot ng UEFA European Football Championship 2022-2024 qualifying draw.
Isinagawa ang pagpupulong executive committee sa Hvar, Croatia habang gaganapin ang draw sa darating na Oktubre 9 sa Frankfurt na kinabibilangan ng 53 national associations.
Ang Euro 2024 ay gaganapin sa Germany mula Hunyo 14 hanggang Hulyo 14, 2024.