Hindi nababahala ang Kremlin sa nakatakdang pagbisita ni Russina President Vladimir Putin sa Mongolia sa susunod na linggo.
Ang Mongolia kasi ay isa sa mga bansang miyembro ng International Criminal Court (ICC) na naglabas ng warrant of arrest laban kay Putin.
Nakatakda ang pagbisita sa darating na Setyembre 3 na ito ang unang pagbisita ni Putin sa bansang miyembro ng ICC.
Sinabi ni Kremlin spokesman Dmitry Peskov, na ang pagbisita ay dahil sa imbitasyon ni Mongolian President Ukhnaa Khurelsukh, kung saan nagkaroon lamang sila ng magandang pag-uusap.
Nakasaad sa panuntunan ng ICC na maaring makulong lamang ang suspects na may warrant kapag bigla itong dumalaw ng walang imbitasyon.
Nanawagan naman ang Ukraine sa Mongolia na agad na arestuhin si Putin.
Magugunitang noong Marso 2023 ng magpalabas ng warrant ang ICC laban kay Putin dahil iligal umano nitong ikinulong ang mga batang Ukrainian sa Russia at sa mga kontrolado nilang bansa.