-- Advertisements --

Hindi nagpahuli ang Russia sa mga bakuna laban sa COVID-19 na mayroong mataas na effectivity rate.

Ayon sa health ministry ng Russia na mayroong 95% na mas epektibo ang Sputnik V virus vaccine.

Base ito sa isinagawang vaccine testing sa loob ng 28 araw.

Dagdag pa ng Gamaleya research center at Russian Direct Investment Fund (RDIF) na bukod sa epektibo ay mura pa ito.

Umaabot lamang kasi ito sa halagang $10 o katumbas ng humigit kumulang sa P500.

Hindi rin ito sensitibo dahil maaaring maitago ang bakuna sa pagitan ng two to eight degree Celcius.

Magugunitang ilang mga mga bakuna na gawa mula sa US at British ang mayroong mataas na effectivity rate kung aan nakatakdang makakuha ng emergency approval mula sa US government.