-- Advertisements --

Hindi pa rin nagpapakampante si Russian President Vladimir Putin dahil sa pagtaas pa rin ng kaso ng mga nadadapuan ng coronavirus.

Sinabi nito, nahaharap ang bansa sa bagong yugto ng pandemic kaya dapat na ito ay seryosohin.

Dahil dito ay pinalawig pa nila ang self-isolation guidelines ng hanggang Mayo 11.

Matapos ang nasabing petsa ay dahan-dahanin na nilang tatanggalin ang mga lockdown.

Dagdag pa nito na hindi nila balewalahin ang nasabing pagtaas ng kaso.

Aminado na ito na nagkukulang ang kanilang bansa ng mga medical equipment kaya inatasan niya ang gobyerno na magdoble kayod para sa paggawa nito.