-- Advertisements --

Hindi na papayagan ng US ang Russia na bayaran ang utang nito gamit ang mga dolyar na nakaimbak sa mga bangko ng Amerika, isang pagbabago na naglalayong magdagdag ng presyon sa Moscow.

Sinabi ng press secretary ng White House na si Jen Psaki na layunin nito ay upang maubos ang mga mapagkukunang pinansyal ng Russia.

Ayon kay Psaki, dahil dito ang Russia ay wala nang unlimited resources lalo na ngayon, dahil sa nakapipinsalang mga parusa na inilagay ng Amerika at mapipilitan silang pumili sa pagitan ng pag-drain ng natitirang mahahalagang dollar reserves, o bagong kita na papasok, o default.

Dagdag pa nito na ang pinakamalaking bahagi ng kanilang layunin dito ay upang maubos ang mga mapagkukunan na kailangan ni Putin upang ipagpatuloy ang
kanyang digmaan laban sa Ukraine.

Magugunitang, dati nang pinahintulutan ng US Treasury Department ang Russia na gamitin ang mga naka-frozen na foreign currency reserves upang bayaran ang utang na nagpapahintulot sa Russia na maiwasan ang isang default.