Ibinunyag ng isang US official na humihingi na umano ng military supplies at economic assistance ang Russia sa China.
Tinawag naman ni White House National Security Adviser Jake Sullivan na “it’s a concern” kung magbibigay ng suporta ang China sa Russia.
Nananatili pang “neutral publicly” ang China at tumanggi itong kondenahin ang Russia’s invasion sa Ukraine.
Ang dalawang bansa ay may malakas na ugnayang pang-ekonomiya kung saan ang kanilang kalakalan ay umabot sa rekord na $147 billion (£110bn) noong nakaraang taon.
Ang malapit na personal na relasyon sa pagitan nina Russian President Vladimir Putin at Chinese President Xi Jinping ay ipinakita rin kamakailan sa Winter Olympics.
Gayunman ang China ay maaaring maging maingat sa pagharap sa mga kahihinatnan na nagmumula sa patuloy na suporta para sa Russia.
Samantala, sinabi ng embahada ng China sa Washington na hindi nito alam ang hiling nito sa Russia.
Nagbabala naman ang Amerika na mahaharap sa kaparusahan ang China kapag tutulungan nito ang Russia sa paggiyera sa Ukraine.