Humihingi ngayon ng paumanhin ang Russian government matapos lumabag ng kanilang military jet sa territorial airspace ng South Korea.
Kamakailan lamang nang paulanan ng 360 rounds warning shots ng South Korean jets ang military plane ng Russia matapos biglang pasukin ng tatlong Russian at dalawang Chinese military aircraft ang Korea Air Defence Identification Zone (KAIDZ).
Una rito ay itinanggi ng Russian defence ministry ang mga alegasyon laban sa kanila.
Ngunit nag-iba ang ihip ng hangin para sa Russia nang kumpirmahin ng isang opisyal mula sa Russian military na nakaranas umano ng ‘technical glitch’ ang kanilang warplane at hindi raw nito sinasadya ang insidente.
Sinigurado rin nito na magsasagawa sila ng imbestigasyon upang malaman kung tunay nga bang umiba ng ruta ang naturang warplane.