-- Advertisements --
Nagalit ang Russia sa naging pahayag ng isang senior US general na kanilang sisirain ang air defense nila.
Ayon kay Russian Foreign Ministry spokeswoman Maria Zakharova, hindi maganda ang naging komento ni US General Jeffrey Harrigian, commander ng US Air Forces sa Europe, na nagsabing kanilang sisirain ang Kaliningrad Integrated Air Defense System (AIDS) ng Russia.
Isa aniya itong maituturing na banta sa kanilang bansa.
Ang Kaliningrad ay isang rehiyon sa Russia na matatagpuan sa Baltic Sea sa pagitan ng Lithuania at Poland.
Sinakop ng Russia ang rehiyon mula sa Germany sa pagtatapos ng World War 2.
Tiniyak naman ng Russia na ang nabanggit na rehiyon ay guwardiyado na hindi basta ito nasasakop.