Inaakusahan ng Russia ang Ukraine na nagpaplano umano itong magsagawa ng nuclear incident sa teritoryo nito para isisi sa Moscow. Wala naman ebidensya ang nasabing akusasyon.
Mula nang magsimula ang pagsalakay ng Russia sa Ukraine, isang taon na ang nakakalipas, paulit-ulit na inaakusahan ng Russia ang Kyiv ng pagpaplano ng mga operasyong “false flag” pero walang naganap sa mga sinabing akusasyon.
Sinabi ng Russia’s defense ministry sa isang pahayag na ang mga radioactive substance ay dinala sa Ukraine mula sa Europian country at ang Kyiv ay naghahanda ng malaking “provocation.”
Ang layunin aniya ng provocation ay para akusahan ang hukbo ng Russia na di-umanoy nagsasagawa ng mabilis na pag atake sa mga mapanganib na radioactive facilities ng Ukraine, na hahantong sa pagtagas ng mga radioactive substance at magreresulta sa kontaminasyon ng lugar, ayon yan sa Russia’s defense ministry.
Ibinasura naman ng Ukraine ang mga akusasyon tulad ng pagtatangkang magpakalat ng disinformation at inakusahan rin ang Moscow na ito mismo ang nagpaplano ng nasabing insidente sa layunin na sisihin ang Ukraine.