-- Advertisements --

Inakusahan ng Russia ang Ukraine ng pagsasagawa ng pag-atake sa Kursk region.

Ayon kay Russian President Vladimir Putin na ang ginawang pag-atake na ito ng Ukraine ay isang uri ng provocation.

Ilang daang mga sundalo kasi ng Russia ang tumatawid sa border malapit sa bayan ng Sudzha ng naganap ang pag-atake.

Gumamit umano ang Ukraine ng 11 na mga tangke at mahigit na 20 mga armoured combat vehicles.

Ito ang itiinuturing na kakaibang surpresang pag-atake ng Ukraine sa Russian territory mula ng magsimula ang labanan noong Pebrero 2022.