-- Advertisements --
Inakusahan ng Russia ang US na lalong pinapalala ang giyera nila sa Ukraine.
Kasunod ito sa pagpayag na ni US President Joe Biden na gamitini na ng Ukraine ang mga ibinigay nilang mga missiles laban sa Russia.
Ayon kay Kremlin spokesman Dmitry Peskov na ang nasabing hakbang na ito ng US ay nagpapakita na direktang sangkot na ang US sa giyera nila ng Ukraine.
Noon pa man kasi ay hiniling ng Ukraine na gamitin na nila ang ibinigay ng US ng Army Tactical Missile System.
Ang nasabing missile system ay may hindi basta-basta nahaharang ng anumang uri ng missile.