-- Advertisements --
Nagbabala ang Russia na mas lalong titindi ang tension sa pagitan nila ng Amerika.
Kasunod ito ng isinagawang missile test ng US ilang linggo matapos ang pag-aklas nito sa Russia.
Sinabi ni Russian deputy foreign minister Sergei Ryabkov, talagang sinasadya na ng US ang pagtaas ng tension.
Tiniyak naman ng Russia na hindi sila gaganti sa pag-provoke nito ng US.
Magugunitang nagsagawa ng medium-range cruise missile testing ang US na ipinagbabawal sa 1987 Intermediate-Range Nuclear Forces (INF) treaty sa Soviet Union.
Inilunsad ang missile test sa US Navy controlled San Nicolas Island sa California.