-- Advertisements --

Inamin ng chief spokesperson ni Russian President Vladimir Putin na si Dmitry Peskov na hindi aalisin ng Russia sa kanilang opsyon ang paggamit ng nuclear weapon sa kanilang pagsalakay sa Ukraine.

Sa isang panayam, sinabi ni Peskov na hindi pa nakakamit ng Russia ang alinman sa kanilang military goals sa nasabing bansa.

Nang tanungin kung ano ang posibleng maging dahilan ng Russia sa paggamit ng nuclear weapons, sinabi ng opisyal na maaari nilang gamitin ito sa oras na kumaharap sa existential threat ang kanilang bansa.

Magugunita na una nang nagpasaring si Putin na gagamit siya ng nuclear weapon laban sa mga bansang nakikita niyang magiging balakid sa Russia at sa kanyang mga nasasakupan.