-- Advertisements --
Inaprubahan ng Russia ang pagkakaroon ng clinical trials sa pamamagitan ng paghahalo ng Sputinik V vaccine at British vaccine na AstraZeneca.
Ayon sa Russian health ministry na mayroong limang Russian clinics ang magsasagawa ng trials na inaasahang matatapos hanggang Marso 2022.
Kapwa ang AstraZeneca/Oxford at Sputnik V vaccine ay gumagamit ng dalawang doses, isang initial shot at ang booster shots pero may magkaibang viral vectors na two shots na gamit ang Sputnik V.
Nauna ng kinansela ng ethical committee ng health ministry ang pag-apruba ng proseso para sa clinical trials noong buwan ng Mayo.