-- Advertisements --

Pinaulanan ng missiles ng Russia ang power plants ng Ukraine nitong Sabado. 

Pinangunahan ito ng Russian Strategic Bombers na naka-base sa Arctic Circle kung saan umatake ito ng ballistic missiles at cruise missiles. Ito na ang itinuturing na ika-apat na large-scale aerial assault na tinarget ang power system ng Ukraine simula March 22. 

Ayon sa Ukraine’s air force, 34 missiles ang pinaulan ng Russia kung saan 21 sa mga ito ay matagumpay na napatumba ng Ukrainian air defenses. 

Sa ulat naman ng pinakamalaking private electricity company ng Ukraine, apat sa anim na thermal power plants nito ang na-damage. 

Kung matatandaan, nitong Abril din lang ay sinira ng Russia ang pinakamalaking power plant ng Ukraine bilang parte ng plano nito na sirain ang energy facilities ng Ukraine.