-- Advertisements --
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Russia authorities sa alegasyon ng torture at panggagahasa sa loob ng prison facilities.
Kasunod ito sa kumalat na video na halos ilang daang katao na ang na-torture.
Ayon sa human rights group na Gulagu na nararapat na panagutin ang sinumang mga nagsagawa ng torture sa mga inmates.
Sinabi naman ni Kremlin spokesman Dmitry Peskov na kapag napatunayan ang authenticity ng video ay agad nilang pananagutin ang mga prison officers na sangkot.