Iniulat na umano ng Russia sa World Health Organization (WHO) ang unang kaso ng strain ng bird flu virus na pinangalanang AH5N8 na naipapasa sa mga tao mula sa ibon.
Ayon kay Anna Popova, pinuno ng consumer health watchdog na Rospotrebnadzor, ipinabatid na raw ng Russia sa WHO ang naturang kaso ilang araw na ang nakalilipas, matapos maging tiyak ang naging resulta ng mga pag-aaral.
Sa ngayon, wala pa naman daw indikasyon ng human-to-human transmission.
Kung maaalala, una nang nakilala ang strain ng bird flu na H5N1 na naipapasa sa ibang tao.
Noong Disyembre nang magkaroon ng outbreak ng AH5N8 strain sa isang poultry plant sa katimugang bahagi ng Russia kung saan pito ang dinapuan ng virus,
Pero paglalahad ni Popova, sa ngayon ay nasa mabuting kondisyon na raw ang mga ito.
“This situation did not develop further,” wika ni Popova. (Reuters)