-- Advertisements --
Ipinag-utos ng Russia ang pag-aresto kay exiled opposition figure Yulia Navalnaya na inakusang nakikilahok sa extremist organization.
Si Yulia Navalnaya ay ang maybahay ng yumaong si Alexei Navalny, ang pangunahing kritiko ni Russian leader Vladimir Putin na nasawi habang nakakulong sa Arctic prison noong Pebrero.
Inalmahan naman ni Navalnaya ang warrant laban sa kaniya at sinabi sa isang statement na isang mamamatay tao at war criminal si Putin na nararapat aniyang sa bilangguan.
Pinabulaanan din ng grupon ng aktibista ang mga alegasyon laban sa kaniya na nagdadawit sa kaniya sa extremist group.
Muli din niyang inakusahan si Putin na sangkot sa pagkamatay ng kaniyang asawa na si Alexei Navalny.