Ipinagdiriwang ngayong araw, Mayo 9 ng Russia ang ika-79 na Victory day o pagkapanalo ng Soviet laban sa Nazi Germany noong World War II.
Sa maikling talumpati, inihayag ni Russian President Vladimir Putin na gagawin ng Russia ang lahat para maiwasan ang sagupaan ng global powers subalit hindi hahayaang pagbantaan ang kanilang bansa.
Ginawa ng Russian President ang kaniyang talumpati sa harap ng nagtipun-tipong servicemen ng Russia sa Red Square
Sinabi din ni Putin na laging nakahandang makipaglaban ang kanilang strategic forces sa gitna ng nagpapatuloy na
Matapos naman ang ilang minutong katahimikan bilang pagalala sa kanilang tagumpay noong WWII, tinapos ni Putin ang kaniyang maikling taumpati sa pagsasabi ng “For Russia! For victory! Hurrah!”
Sa taunang event ng Russia, nagsagawa din ng military parade ng libu-libong sundalo at military hardware ng Russia sa Red Square, Moscow kasabay ng iba pang events na idinaos sa buong bansa.