-- Advertisements --
Ipinakita na ng Russia ang kanilang pinakabagong attack drone.
Ayon sa Russian Ministry of Defense, tinatawag nila itong “Okhotnik” na isang uri ng unmanned combat aerial vehicle (UCAV).
Isinagawa ng 20-toneladang eroplano ang test flight nito sa military airfield.
Kaya daw umabot ng hanggang 620 miles per hours at gawa sa stealth technology ang bago nilang imbento na drone.
Ipinagmamalaki rin ng Russia ang anti-radar coating at surveillance equipment.
Ginawa ito ng Sukhoi, ang pangunahing gumagawa ng mga eroplanong pandigma ng Russia.
Binalewala naman ng Russia ang pahayag ng iba na huli na sila sa teknolohiya dahil sa mayroon ng drone ang US noong 10 taon na ang nakakalipas.