-- Advertisements --
Pansamantalang isasara ng Russia ang kanilang mga borders simula Lunes, Marso 30, bilang pag-iingat sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sa anunsyo ng Russian government, epektibo ang kautusan sa lahat ng vehicle, rail at pedestrian checkpoints, maging sa maritime borders ng bansa.
Hindi naman saklaw ng ban ang mga diplomats at kanilang mga pamilya, mga courier ng diplomatic relations, at ang mga miyembro ng mga official delegation na paalis sa Russia.
Sa pinakahuling datos, nakapagtala na ng 1,264 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Russia, at may apat na patay.