-- Advertisements --

Itinanggi ng Russia ang paratang ng US na binabayaran nila ang mga Taliban-linked militants para mapatay ang mga sundalo ng US na nakatalaga sa Afghanistan.

Ayon sa Russsina embassy sa US na dapat iwasan ng US na magpakalat ng mga fake news.

Magkakaroon lamang aniya ito ng hindi pagkakaintindihan ng mga opisyal ng embahada ng dalawang bansa.

Wala aniyang basehan ang naging paratang sa kanila ng US.

Magugunitang ibinunyag ng isang hindi na nagpakilalang opisyal ng US at inakusahan ang Russia sa pagbabayad ng mga Taliban para mapatay ang mga US troops sa Afghanistan.