-- Advertisements --
Itinanggi ng Russia na nagkaroon ng leak ang kanilang mga nuclear power plants.
Kasunod ito ng na-detect ng Norway, Sweden at Finland ng mataas na radiation noong nakaraang dalawang linggo.
Ayon sa Dutch National Institute for Public Health and the Environment (RIVM) na mayroong mababang level ng man-made radioactivity ang nakita nila sa nasabing tatlong bansa.
Paglilinaw naman nito na walang epekto ito sa kalikasan at maging sa tao.
Sa panig naman ng Russia na wala silang nakitang anumang abormalidad sa Leningrad nuclear plant at Kola Nuclear power plant at ito ay normala na nag-ooperate.
Mariing itinanggi rin ni Russian presidential spokesperson Dmitry Peskov na mayroong nangyaring insidente.