-- Advertisements --
Itinanggi ng Russia na sila ang nasa likod ng pagbagsak ng Azerbaijan Airlines na ikinasawi ng 38 katao.
Ang Ebraer 190 na eroplano ay bumagsak malapit sa Aktau city sa Kazakhstan.
Galing ito sa Baku ang capital ng Azerbaijan at patungo ito sa Grozny sa Chechnya sa Russia ng bumagsak.
Sinabi ni Dmitry Peskov ang tagapagsalita ni Russian President Vladimir Putin, na hindi tama na sila ang pagbintangan habang gumugulong pa ang imbestigasyon.
Maraming mga bansa kasi ang naniniwala na tinamaan ng anti-aircraft missile ng Russia ang nasabing eroplano base na rin sa mga ebedensiya na nakita sa lugar.