-- Advertisements --

Itinanggi ng Kremlin na tinawagan umano ni Russian President Vladimir Putin si US President-elect Donald Trump.

Lumabas kasi ang ulat na tinawagan ni Trump si Putin at binantaan nito ang patuloy na kaguluhan sa Ukraine.

Ayon kay Kremlin spokesperson Dmitry Peskov na walang katotohanan nasabing mga balita at ni minsan ay hindi nagkausap ang dalawa.

Magugunitang nagbitiw ng pahayag si Trump sa kaniyang kampanya na sa isang iglap lamang ay kaniyang patitigilin ang giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.