-- Advertisements --
Pinatawan ng korte sa Russia ang internet search engine na Google sa halagang two undecillion roubles.
Ito ay dahil sa pagbabawal ng Google ang Russian state media channels sa YouTube.
Nangangahulugan ito na magbayad dapat ang Google ng $20++++ o katumbas ng 2 na sinundan ng 36 na zeros
($20,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000.).
Kahit na isa sa mga pinakamayamang kumpanya sa buong mundo ay ikinokonsidera na mayroong $2 trillion ang halaga ng Google.
Nagsimula ang nasabing restriction mula pa noong 2020 kung saan binawalan ng YouTube ang 17 Russian media channels.