-- Advertisements --
Tiniyak ng Russia na ito ay maglalagay ng missile sa Asya.
Ito ay bilang depensa matapos ang naunang pahayag ng U.S. na maglalagay sila ng missile system sa Asya dahil sa bigong arms control treaty.
Sinabi ni Russian Deputy Foreign Minister Sergei Ryabkov na hindi sila makikipagkumpetensiya sa U.S. at sa halip ay maglalagay lamang sila bilang depensa.
Inasahan kasi nila na maglalagay ang US ng MK-41-missile launching system sa Japan sa mga susunod na araw.