-- Advertisements --

Inaprubahan ni Russian President Vladimir Putin ang panukala ng gobyerno na magpatupad ng isang linggong workplace shutdown.

Kasunod ito ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa kaniyang talumpati, sinabi nito na isasagawa ang nasabing workplace shutdown mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 7.

Patuloy kasi ang ginagawang hakbang ng Russian government para tuluyang mapababa ang kaso ng COVID-19.

Marami kasing mga Russians ang hindi nagtitiwala sa sariling gawa nilang bakuna na Sputnik V.