-- Advertisements --
Plano ng Russia na isagawa ang mass trials ng ikalawa nilang coronavirus vaccine na EpiVAcCorona.
Isasagawa ang nasabing trials sa mga may edad 18-anyos pataas.
Ang bakuna ay gawa ng Vector Institute ng Siberia at ito ay pinayagan ngayong buwan na isagawa ang trials sa 150 volunteers sa mahigit 60-anyos ang edad habang nasa 3,000 naman ang volunteers na may edad 18.
Gaganapin ang trials sa Moscow at ilang mga lungsod kabilang ang Kazan at Kaliningrad.
Magugunitang naunang ipinagmalaki ng Russia na mayroong 92% effectivity rate ang bakuna nila na Sputnik V.