-- Advertisements --

Nakatakdang maglunsad ng sariling orbital station ang Russia pagdating ng 2025.

Sinabi ni Roscosmos chief Dmitry Rogozin na sinimulan na nila ang paggawa ng sariling orbital station dahil plano na rin nilang kumalas sa International Space Station program.

Dagdag pa nito na kasalukuyang inaayos na nila ang unang core module ng bagong Russian orbital station.

Isasagawa ito sa ilalim ng Energia space corporation ng Russia.

Ang anunsiyo ay ginawa kasunod ng lumalalang tensiyon sa espoinage claims at pagpataw ng US sa Russia ng sanctions.