-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Russia na matagumpay na test launch ng kanilang Zircon hypersonic cruise missile.

Ang nasabing missile ay inilunsad mula sa Admiral Gorshkov warship sa White Sea at tinamaan ang naval target na may layong mahigit 400 kilometers.

Ayon sa defense ministry na ito na ang pangalawang test missile na pinuri naman ni Russian President Vladimir Putin.

Nauna na ring sinabi ni Putin noong 2018 na mayroon silang matinding uri ng hypersonic weapons na kayang sirain ang anumang shield na itatayo ng US.