-- Advertisements --
May mga bagong alok ang Russia sa mga nais na pumasok sa sundalo at makipaglaban sa Ukraine.
Ito ay matapos na pirmahan ni Russian President Vladimir Putin ang bagong batas na babayaran na ng gobyerno ang anumang utang ng mga bagong recruit.
Nakasaad pa sa nasabing batas na ang mga magpapalista sa sundalo sa loob ng isang taon ay mababayaran lahat ng utang ng hanggang $96,000.
Magugunitang tinaasan ng Russia ang bilang ng mga recruits matapos na maraming nalagas sa mga sundalo nila dahil pakikipaglaban nila sa Ukraine.