-- Advertisements --

Muling nagbanta ang Russia na gagamit ng mas malakas na military forces laban sa Ukraine kapag tuloy-tuloy ang pagtulong ng US at ilang mga kaalyadong bansa nito.

Sinabi ni Russian foreign minister Sergei Ryabkov na hindi pa lubusang nasasagad ang pasensiya ng Russia sa tuloy-tuloy na pagsanib puwersa ng ilang mga bansa sa Ukraine.

Ang nasabing pahayag ay ilang araw matapos na ianunsiyo ni US President Joe Biden na mayroong dagdag na $725 milyon na security assistance package na kanilang ibibigay sa Ukraine.

Layon ng nasabing panibagong tulong ay para mapalakas ang puwersa ng Ukraine kontra sa Russia.

Mayroon pang ilang linggo ang US na gamitin ang nasa $7-bilyon na mas malaking package na otorisado ng Kongreso ngayong taon para tulungan ang Ukraine laban sa Russia na nagsimula mula pa noong Pebrereo 2022.