-- Advertisements --

Napasok ng Russian military hackers ang Ukrainian gas company na may kinalaman sa impeachment case ni US President Donald Trump.

Ayon sa cybersecurity researchers, naloko ang mga empleyado ng Burisma Holdings sa pamamagitang pagbibigay ng kanilang computer credentials mula sa sophisticated network ng fake websites na ginawa ng Russian military intelligence.

Walang pinagkaiba ang nasabing websites sa ordinaryong work products na maaaring mapasok ng mga Burisma employees.

Unang naiulat ang pag-hack noong Nobyembre subalit hindi ito nagtagumpay.

Magugunitang pinapaimbestiga ni Trump ang nasabing kumpanay kung saan empleyado doon ang anak ni dating US Vice President Joe Biden ang mahigpit na katunggali nito sa pagkapangulo.