-- Advertisements --
Inihayag ni Russian President Vladimir Putin na ang pagpapadala ng Germany ng mga armas sa Ukraine ay isang nakababahala para sa kanilang mga mamamayan ng Russia.
Ito’y matapos na mapag-alaman na magkakaroon ng mga bagong armas ang Ukraine partikular na ang German Leopard Tanks.
Kung matatandaan, ang Germany ay isa sa maraming bansa na tumutulong sa Ukraine na ipagtanggol ang teritoryo nito.
Una ng inilunsad ng Russia ang madugong pagsalakay nito sa Ukraine halos isang taon na ang nakalilipas, na nag-udyok sa mga Western countries na magpadala ng mga makabagong armas at tulong sa gobyerno ng Kyiv.