Inihayag ng Moscow ang isang humanitarian ceasefire sa Ukraine upang mabigyang daan ang pagsagawa ng paglikas ng civilian population.
Nagdeklara ng isang “regime of silence” ang Russian Federation at handang magbigay ng mga humanitarian corridor.
Ang civilian evacuations ay naganap lalo na mula sa bayan ng Sumy, kung saan umalis ang dalawang convoy sa maghapon.
Ang mga paglikas ay naganap din sa labas ng kabisera ng Kyiv.
Ngunit ang mga pagtatangkang paglikas mula sa daungang bayan ng Mariupol ay nabigo sa ilang mga pagkakataon sa mga nakaraang araw, na kapwa sinisisi rito ang Kyiv at Moscow.
Samantala, handa naman si Chinese President Xi Jinping na makipag-ugnayan sa international community upang mamagitan sa digmaan sa Ukraine.
Ngunit, hindi na ito nagbigay pa ng karagdagang detalye.
Muling iginiit ng China ang pagtutol sa mga Western sanctions laban sa Russia.